Home HOME BANNER STORY PBBM sa Kapistahan ng Immaculada Concepcion: Kapayapaan, pagbibigayan, kabutihang-loob isabuhay

PBBM sa Kapistahan ng Immaculada Concepcion: Kapayapaan, pagbibigayan, kabutihang-loob isabuhay

MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes sa mga Pilipino “to perpetuate peace, generosity, and kindness” sa paggunita ng bansa sa kapistahan ng Immaculate Conception. 

“May this auspicious occasion allow us to fortify our Christian faith and inspire our fellow faithful to share our blessings to the poor and marginalized as a way of perpetuating peace, generosity, and kindness around us,” pahayag ni Marcos. 

“During these challenging times for our country, let us draw inspiration from the narrative of the Immaculate Conception as we overcome our limitations and draw on our strengths to see the world with grateful hearts and explore the deep meaning of our purpose in life,” dagdag ng Pangulo.

Ipinagdiriwang ng Catholic community ang kapistahan ng Immaculate Conception ng pagdadalantao nang walang bahid ng kasalanan ni Maria.

Nagsimula ang pagdiriwang ng pista sa Papal encyclical ni Pope Pius IX nang pormal niyang tukuyin ang dogma ng Immaculate Conception, Ineffabilis Deus, noong December 8, 1854.

Isa itong banal na araw para sa mga Katoliko at special non-working holiday sa Pilipinas sa ilalim ng Republic Act No. 10966 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017. RNT/SA

Previous articlePBBM kumpiyansa sa magandang hinaharap ng Pinas sa paghupa ng inflation
Next articleMungkahi ni Catapang paulit-ulit na paggawa ng krimen: PDL ikulong sa BuCor facilities