Home NATIONWIDE PBBM sa mga Katoliko ngayong Semana Santa: Maging mabuti, ‘wag makasarili

PBBM sa mga Katoliko ngayong Semana Santa: Maging mabuti, ‘wag makasarili

MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mananampalatayang Katoliko na paliwanagin ang daan para sa ibang tao ngayong Holy Week o Semana Santa sa pamamagitan ng kabutihan at pagiging hindi makasarili.

Ayon sa Pangulo, ang Mahal na Araw ay paggunita sa “pagmamahal, pagkamatay at muling pagkabuhay” ng Panginoong Heskristo at oras at panahon para magmuni-muni sa mga kinaharap sa buhay ng mga tao.

“May our inward reflections manifest in our outward actions as we strive to give hope in a world that is threatened by darkness. Let us be the light that shines through the shadows, the love that triumphs over despair, and the hope that radiates upon all humankind,” ayon sa Pangulo sa isang kalatas.

“May we be remembered not for what we have taken but for what we have given, not for the heights we have reached but for the light we have kindled in the hearts of our fellows,” aniya pa rin.

Sinabi pa ng Pangulo na pinagdarasal niya ang mga taong mapagkumbabang tinatanggap ang kanilang tunay na sarili bilang ‘imperfect beings,’ “for it is by becoming truly human that we can experience the divine.”

“Let us always remember to seek the Lord in our desires and to desire Him in our seeking. May we all have a meaningful and reflective Holy Week,” dagdag na wika nito.

Samantala, nagsimula nang dumagsa sa mga Simbahan , araw ng Linggo, Marso 24, bitbit ang kanilang mga palaspas bilang hudyat ng Kuwaresma o Mahal na Araw.

Ang Semana Santa ay tatagal ng hanggang Marso 30, Black Saturday o Sabado de Gloria at matagumpay magtatapos sa Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay kung saan ang lahat ng mga sagradong katoliko sa buong mundo ay magdiriwang ng Pagkabuhay ng Panginooong Hesukristo. Kris Jose

Previous articleMalakihang taas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad bukas!
Next articleCrackdown vs colorum vessels, pinaigting ng PNP, PCG