Home HOME BANNER STORY PBBM sa mga Kristiyano: Mamuhay na katulad ni Kristo

PBBM sa mga Kristiyano: Mamuhay na katulad ni Kristo

MANILA, Philippines – Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Kristiyano ngayong Easter Sunday, Marso 31, ‘to live a Christ-like life.’

“Today, we remember the fulfillment of the promise of Jesus Christ to humanity—that he will rise again and deliver eternal salvation for all,” anang Pangulo.

Pinaalalahanan niya rin ang publiko na ang pananampalataya, debosyon at sakripisyo ay maituturing na “worthy ideals that yield great rewards both here on earth and [in] the hereafter.”

“Let us draw inspiration from this important narrative as we overcome our personal and spiritual challenges. May this day also excite our hearts to live a Christ-like life, especially in sharing our blessings in whatever form [with] the poor, the sick, and the downtrodden,” dagdag pa ni Marcos.

Ginugunita ng mga Kristiyano sa buong mundo ang Easter bilang tagumpay ng muling pagkabuhay ni Hesus at hudyat ng pagtatapos ng Semana Santa. RNT/JGC

Previous articleEasterlies iiral sa malaking bahagi ng bansa
Next articleBanta ng anthrax sa publiko, ‘very low’ – DOH