Home NATIONWIDE PBBM sa mga Pinoy: Maging instrumento ng kaliwanagan at pag-asa ngayong Pasko

PBBM sa mga Pinoy: Maging instrumento ng kaliwanagan at pag-asa ngayong Pasko

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Filipino na taimtim na tandaan ang tunay na kahulugan ng Pasko at maging instrumento ng pag-asa at kaliwanagan para sa mga taong nangangailangan ngayong Kapaskuhan.

Sa kanyang Christmas message, winika ni Pangulong Marcos na ang Pasko ay espesyal na okasyon para sa mga Filfilipino sa pagbibigay-puri sa kapanganakan ng Mahal na Poong Hesukristo sa pamamagitan ng Simbang Gabi, pagbibigay ng regalo at gift-giving, at pagkakaroon ng piging kasama ang mga kaibigan, kamag-anak at mahal sa buhay.

“But more than just a day of celebration, let us be reminded that the true meaning of Christmas lies in the recognition of the season as an opportunity to reach out to those who are suffering from solitude, sickness, and poverty,” ayon sa Pangulo.

“Indeed, there is no better way for us to share the gift of Christmas than by spreading hope to those who need it the most this holiday season. Let us kindle our hearts with goodwill, kindness, and compassion as we spread merriment in our home and communities,” dagdag na wika nito.

“By doing so, we do not only bring peace, love and unity, but become living instruments of the timeless adage that God’s work here on earth is truly our own. Isang Maligayang Pasko sa ating lahat!” ayon pa rin sa Pangulo.

Samantala, ipinaabot naman ni Pangulong Marcos ang kanyang taus-pusong pagbati sa lahat ng mamamayang Filipino ng Maligayang Araw ng Pasko.

Previous articlePinas, U.S. nag-uusap para sa posibleng pagbili ng F-16 fighter jets
Next articleLabi ng OFW na napatay sa Israel-Hamas war naiuwi na ng Pinas