Home NATIONWIDE PBBM sa muling pagkandidato ni VP Sara: ‘She’s testing the waters’

PBBM sa muling pagkandidato ni VP Sara: ‘She’s testing the waters’

MANILA, Philippines- ”She’s testing the waters.”

Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nang tanungin ukol sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na muli siyang kakandidato sa isang eleksyon. 

”I think she’s also testing the waters to see what the reaction will be. That’s the only thing I can… I haven’t talked to her about it, ang pinaka—’did you hear that Inday Sara announced…’ yes… okay, that’s it. ‘What do you think she’ll do?’ O ayan na, stop it, stop it, we’ll talk about it later,” pahayag ni Marcos sa isang panayam.

Batay sa ulat, binanggit ito ni Duterte sa isang talumpati sa event sa Davao City. 

“I heard my brothers, Mayor Baste and Congressman Pulong, say that they will not run in the next election, so I am here today to campaign with you because I will run in the next election,” aniya, na tinutukoy sina Davao City Mayor Sebastian Duterte at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte.

Hindi naman sinabi ni Duterte kung anong posisyon ang balak niyang takbuhan subalit matatapos ang kanyang termino bilang bise presidente sa 2028. 

Kasado ang susunod na halalan sa 2025 para sa Senate, congressional, at local seats. RNT/SA

Previous articleinDrive sinuspinde ng LTFRB
Next articleOral argument sa pag-upo ni Guanzon bilang partylist rep. muling tinalakay ng SC