Home HOME BANNER STORY PBBM sa People Power anniversary: Maraming dapat matutunan mula sa kasaysayan

PBBM sa People Power anniversary: Maraming dapat matutunan mula sa kasaysayan

MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na basahin at bigyang-diin ang kahalagahan ng kasaysayan, kasabay ng pagdiriwang ng ika-38 ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ang EDSA People Power Revolution ang nagpatalsik sa kanyang ama na si namayapa at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. mula sa kapangyarihan noong 1986.

Tugon ito ng Pangulo sa liham ng isang nagngangalang “Erica,” kung saan tinukoy na “people, especially in the Philippines, have distorted ideas of politics.”

“Your interest in history is very, very important because we have much to learn from history,” ayon kay Pangulong Marcos Jr. sa kanyang vlog na ini-upload, araw ng Linggo, Pebrero 25.

“The history that has been made a long, long time ago and the history that is being made now, all of these are important,” ayon sa Chief Executive.

Inakusahan ang pamilya ni Pangulong Marcos Jr. ng pagkuha ng trolls at paggawa ng fake accounts para itago ang kalupitan sa panahon ng diktadura ng kanyang ama.

Binigyang-diin ng Pangulo na may pangangailangan para sa publiko na magbasa ng iba’t ibang materyales habang kinikilala rin niya ang paglaganap ng fake news.

“Ang turo sa akin ng lola ko, magbasa ka ng kahit na ano at ikaw na ang bahala na mangilatis kung ano ‘Yong maganda at ano ‘Yong hindi tama,” wika ng Punong Ehekutibo.

“That’s what you can do. That’s what history can guide as with because we have experienced this before,” dagdag na wika nito. Kris Jose

Previous articlePBBM: Politika dapat paglilingkod sa bayan ‘di sa partido lang
Next articleKilos-protesta ng mga raliyista vs Cha-cha tinapatan ng mga pulis ng zumba!