Home HOME BANNER STORY PBBM sa PMA grads: Mabuhay na may prinsipyo, kahusayan sa gitna ng...

PBBM sa PMA grads: Mabuhay na may prinsipyo, kahusayan sa gitna ng mga hamon

313
0

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bagong graduates ng Philippine Military Academy (PMA) na mabuhay na may prinsipyo ng karangalan at kahusayan at linangin ang abilidad na makabawi sa gitna ng umiiral na mga hamon at banta sa seguridad at kaligtasan ng bansa.

Ang hamon na ito ni Pangulong Marcos ay inihayag niya matapos na pangunahan sa kauna-unahang pagkakataon ang Commencement Exercises ng PMA ‘MADASIGON’ (Mandirigmang May Dangal Simbolo ng Galing at Pagbangon) Class of 2023 sa Fort General Gregorio Del Pilar sa Baguio City, araw ng LInggo, Mayo 21.

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na umaasa siya na ipagpapatuloy ng mga bagong graduates na pag-apuyin at paigtingin ang kanilang “undying commitment” para sa tunay na pag-ibig para sa bansa at serbisyo publiko.

“In all your tasks, diligently work for unity, respect for democratic ideals, institutions, and mechanisms, and the rule of law,” ayon sa Pangulo.

“Live up to the precepts that define your class identity, namely: honor, excellence, and ability to recover, and help lead our nation toward a progressive and prosperous future that we all aspire for,” dagdag na pahayag nito.

Dahil dito, kumpiyansa ang Panulo na ang mga bagong graduates ay magsasanay para sa nakatatakot na hamon na naghihintay sa kanila, sabay sabing “true battles will now begin.”

“Existing realities in the rapidly evolving security environment impel us to be always prepared for any and all threats that our country might face,” ang wika ng Pangulo.

“Purveyors of criminality, insurgency, and terrorism are the great interlopers in our peaceful aspirations that undermine our peace and stability and our march to prosperity in our sovereign domain and its environs,” aniya pa rin.

“Your courage, strength, and skills have made you fit and qualified for admission into the Armed Forces and for deployment into the actual theaters of operations,” pagpapatuloy ng Pangulo.

Tiniyak din ng Pangulo sa mga bagong graduates na makikipagtulungan siya sa mga ito, itinuturing na “future leaders” ng Armed Forces ng bansa, sa collective public service sa pagtataguyod ng mas malakas at mas matibay na republika.

“As you encounter challenges along the way, apply the hard-won lessons that you have learned while in the halls of the academy- clinging to the values of courage, integrity, and patriotism. That way, you will never lose your way,” anito.

Sa kanyang unang pagdalo sa PMA graduation bilang Commander-in-Chief, pinangunahan ng Pangulo ang awarding rites ng 310 graduating cadets, binubuo ng 238 lalaki at 72 babae.

Ang mga kadeteng ito ay itatalaga sa tatlong sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 158 ang sasali sa Philippine Army (PA), 77 sa Philippine Navy (PN), at 75 sa Philippine Air Force (PAF).

Mula sa 310 kadete, si Cadet 1CL Warren Leonor, tubong Lipa City sa Batangas, tinanghal na valedictorian ng graduating class. Nakatanggap ito ng maraming awards, kabilang na ang Presidential Saber mula kay Pangulong Marcos.

Ang PMA top-notcher ngayong taon ay nakatakdang sumama sa Philippine Air Force. Kris Jose

Previous articleP.6M marijuana nakumpiska ng QC police
Next articleCat at Sam, ikakasal next year, bet magka-anak ng 2!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here