Home NATIONWIDE PBBM sa publiko: Magtipid ng tubig, kuryente sa El Niño

PBBM sa publiko: Magtipid ng tubig, kuryente sa El Niño

293
0

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko at local government units na magtipid sa paggamit ng tubig at power resources dahil sa pagharap ng PIlipinas sa El Niño ngayong taon.

“The Philippines’ power demand far exceeds the supply in the country, and the 35 percent decrease in rainfall has already affected several dams, irrigation systems and hydroelectric power plants,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang YouTube vlog.

“Ang DILG inatasan natin na paratingin sa mga LGU ang kampanya natin sa pag-mitigate ng impact ng El Niño gaya ng pagtitipid ng tubig sa bahay, sa mga car wash, sa mga pagdidilig ng golf course at pagrerefill ng mga swimming pool,” ayon sa Pangulo.

“Ito ay inaasahang makakatulong sa pagpapanatili ng ating supply,” aniya pa rin.

“Lahat tayo ay may maitutulong, lahat tayo ay may magagawa,” dagdag na wika nito sabay sabing “The government has been supporting projects that help generate or store more power for the Philippines.”

Ang energy production aniya ay pinapa-igting sa pagbubukas ng mas maraming renewable energy sources.

Sa katunayan nga aniya, kamakailan lamang ay in-extend ng gobyerno ang Malampaya service.

“Sinusuportahan din natin ang mga bagong teknolohiya tulad ng battery storage para maging sustainable at reliable pa ang ating renewable sources of energy,” lahad ng Pangulo.

Maliban sa monitoring at pagaanin ang epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura, enerhiya at kalusugan, sinimulan na rin ng pamahalaan ang paghahanda para sa posibleng La Niña matapos ang panahon ng tagtuyot o dry spell.

“Sa kabila ng matinding tagtuyot ay naghahanda din tayo para naman sa La Niña o matinding tag-ulan na may dala-dala ring ibang problema,” ayon sa Pangulo. Kris Jose

Previous articleMaayos na operasyon ng Malasakit Center sa Guimaras, tiniyak ni Bong Go
Next articleBimby, pauwi na sa Pinas; Kris, umamin sa real score nila ni Mark!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here