MANILA, Philippines- Nakahanda ang gobyerno sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar sa oras na pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naghahanda ang pamahalaan para sa posibleng epekto ng bagyo sa hilagang bahagi ng bansa at maging sa iba pang lugar.
“Pinaghahandaan din natin ang magiging epekto nito hindi lamang sa hilagang bahagi ng bansa, kundi sa lahat ng lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sa katunayan, nakipagpulong si Pangulong Marcos kay Defense officer-in-charge Undersecretary Carlito Galvez kung saan tiniyak nito na may nakahanda ng budget at food packs.
Nakahanda na rin aniya response teams at local government units sakali’t tumama na ang bagyo sa kanilang lugar.
Advertisement