Home HOME BANNER STORY PBBM, TikTok magtutulungan sa pag-aangat ng small-scale sellers, entrepreneurs

PBBM, TikTok magtutulungan sa pag-aangat ng small-scale sellers, entrepreneurs

SAN FRANCISCO, USA- Nakipagtulungan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa social media platform TikTok ukol sa “edutainment,” na naglalayong tulungan ang small-scale sellers at entrepreneurs.

Sinabi ni Marcos na nais niyang tulungan ng TikTok na sanayin ang local sellers upang isulong ang kanilang mga produkto.

Inihayag ni TikTok chief executive officer Shou Zi Chew na nais nilang magbigay ng karagdagang resources at sanayin ang local sellers sa rural na bahagi ng bansa.

“What we want to do is highlight local products, especially from smaller [sellers],” sabi ni Chew kay Marcos sa kanilang pulong sa San Francisco sa sidelines ng 2023 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit. 

“We have a lot of this in Vietnam, a lot of this in Indonesia, a lot of this in Malaysia, a lot of this… and highlight that, give it a platform to sell around the country and export around the world. That’s the plan,” dagdag ni Chew. 

Tiniyak din niya na mayroong community guidelines para maiwasan ang karahasan at sexual abuse materials na content. 

“But just the differences in opinion and how they’re expressed, that sometimes is very hard to determine whether you… where is it excessive and where is it acceptable but I suppose you have all the rules and… that you need to do that,” ayon naman kay Marcos.

“Because TikTok, I mean from the beginning was quite really just a very lighthearted platform. But then just because of its popularity like for example, for someone like me who’s in politics, if you’re talking to 50 million people, then I need to be part of that conversation … So, it’s inevitable … the many sides, multi-faceted side will come in,” dagdag niya.

Nakikita ng TikTok ang Southeast Asia bilang isa sa pinakamalaking emerging market nito sa labas ng USA, sa 325 million monthly active users saklaw ang halos kalahati ng populasyon ng rehiyon. RNT/SA

Previous articleRomualdez inakusahan ni Digong ng pakikipagsabwatan sa mga komunista para sa 2028 polls!
Next articleDick, naiganti ang mga nasampal ni Maricel!