Home NATIONWIDE PBBM tutulak sa Germany sa Marso

PBBM tutulak sa Germany sa Marso

MANILA, Philippines- Inihayag ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. na bibisita siya sa Germany sa Marso ng kasalukuyang taon.

Inanunsyo ito ni Marcos sa courtesy call ni German Federal Foreign Minister Annalena Baerbock sa Malacañang Palace.

”We have been in contact with one another over the past few months simply because we have been trying to arrange a visit to Germany. And I think we finally have managed, with your embassy’s staff, we’ve been driving them a little crazy,” ani Marcos.

”We keep moving things because things have been coming up. But I think we have come down on the March 12th, the March 12 date. So I can commit to that now,” dagdag niya.

Kumpiyansa siya na pagkatapos ng pagbisita niya sa Germany, magiging mas iigiting ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.

”I’m sure that, after the visit to Berlin, that many things will develop. We will be requiring your presence here more and more…” wika ni Marcos. RNT/SA

Previous articleAngkas rider todas sa PNR train
Next articleAplikasyon para sa 2024 Bar exams gugulong sa Lunes