Home NATIONWIDE PBEd sa kasalukuyang K-12 system, suriing mabuti

PBEd sa kasalukuyang K-12 system, suriing mabuti

630
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang education advocate group sa gobyerno na suriin muna ang kasalukuyang K-12 system bago makipagsapalaran sa isang uri ng edukasyon tulad ng isinusulong ni Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Sinabi ni Philippine Business for Education o PBEd executive director Justine Raagas sa PBEd Annual Membership Meeting sa Taguig City na dinaluhan ng mga stakeholders, business leaders na talakayin ang mga rekomendasyon upang mapabuti ang sistema ng edukasyon sa bansa, ang “K to 10 plus 2” na itinutulak ni Arroyo.

Binigyan diin ni Raagas na kailangan muna ng komprehensibong pagsusuri sa kasalukuyang sistema.

“It easy to say the system failed because of the dismal result of international assessments—but we have to think about the fact that K-12’s first entrants just came from the class of 2010. Meaning, they just graduated last 2022. So it is unfair to say that the system has failed, where in fact, those who have graduated and entered the workforce were products of an older system,” dagdag pa ni Raagas.

Sinabi nito na ang K-12 ay talagang matagumpay sa ibang mga bansa kaya naman nagtaka siya kung ang parehong sistema ay nabigo sa mata ng mambabatas.

Ang House Bill 7893 ni Arroyo ay naglalayong itatag ang “K+10=2” kung saan ang huling dalawang taon ay hindi vocational-technical education (tech-voc) ngunit magiging paghahanda sa edukasyon sa unibersidad na katulad ng pundasyon ng mga kurso sa kolehiyo sa Europa.

Sinabi ni Raagas na lagi nilang hinikayat ang pagkakasangkot ng pribadong sektor sa edukasyon, hinihiling nila sa mga business owners na tingnan ang kasalukuyang kurikulum upang magbigay ng mga output dahil ang senior high school sa kasalukuyang K-12 system ay dapat na isang “entry to employment.”

Sa kabila nito, naniniwala pa rin si Raagas na ang kasalukuyyang estado ng edukasyon sa bansa ay nanatili nasa krisis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePagbabago sa MUP retirement fund, ipinababasura ng solon
Next article4 hinihinalang rebelde patay sa bakbakan sa Northern Samar

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here