Home NATIONWIDE PCCI sa Kongreso: Wage boards pagdesisyunin sa wage hikes

PCCI sa Kongreso: Wage boards pagdesisyunin sa wage hikes

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa mga mambabatas na hayaan na lamang sa regional wage boards ang pagdedesisyon patungkol sa sahod ng mga empleyado.

Sa pahayag, sinabi ni PCCI president Enunina Mangio na ang proposed P100 daily minimum wage hike ay mayroon lamang 5 milyong manggagawa ang makikinabang kumpara sa 47 milyon iba pa na nasa informal sector.

Ang naturang panukala ay aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado.

“The P100 proposed wage will not even be enough when inflation goes up. Why don’t we instead legislate measures to address the rising cost in food prices and other issues that hamper our economic growth?” tanong ni Mangio.

Nagbabala rin si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na posibleng magpataas sa presyo ng mga produkto at serbisyo ang P100 legislated minimum wage hike.

Ganito rin ang pangamba ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na posibleng magresulta sa mga maliliit na kompanya na matanggal ng empleyado o magdagdag ng presyo sa kanilang mga produkto.

Sinabi rin ni Mangio na ang proposed wage hike ay magtataboy sa foreign investors sa pagnenegosyo sa Pilipinas.

“No one would ever try to look at the Philippines once they see that legislators can enact wage hikes anytime even disregarding the authority of the National Wage Board,” aniya.

Dahil dito, sinabi ng PCCI president na dapat ay ipaubaya na lamang ng Kongreso sa National Wages and Productivity Commission at Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang desisyon sa mga wage increase, sa halip na magpanukala “that would only benefit a few and disenfranchise other members of the labor force.” RNT/JGC

Previous articleDagdag na supplementary allowance, benepisyo sa manggagawa, hirit sa employer
Next articleDating pastor mula Davao na bagong laya, natagpuang patay