Home NATIONWIDE PCG: 10 navigational bouys sa WPS intact

PCG: 10 navigational bouys sa WPS intact

464
0

Sinabi ng isang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) na nanatili ang 10 navigational bouys sa kanilang lokasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pahayag ni Commodore Jay Tarriela, the PCG spokesperson for the WPS, ay taliwas sa naunang ulat na inalis ang mga ito ng Chinese Maritime militia.

Pinasinungalingan ni Tarriela ang naunang ulat ng Chinese news agencies na nagsasabing inalis ng mga Chinese “fishermen” ang mga buoy na inilagay sa Kalayaan Island Group na nasa loob ng 220-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“Under the protection of Chinese coast guard boats, Chinese fishermen fished out all the buoys deployed by the Philippines, which made the Philippine coast guard feel angry and helpless,” ayon sa May 18 report mula Sohu.com, Isang kumpanya na nakabase sa Beijing.

Tumaas ang tensyon noong huling bahagi ng Mayo matapos parehong maglagay ng ilang navigational bouys ang Pilipinas at China sa pinagtatalunang kagaratan.

Naglagay ang PCG ng limang buoys na minarkahan ng bandila ng Pilipinas mula May 10 hanggang 12 sa mga nasasakupang Isla ng Pilipinas kabilang ang Patag (Flat), Kota (Loaita), Panata (Lankiam Cay), at ang fishing grounds ng Balagtas (Irving) Reef at Julian Felipe (Whitsun) Reef, kung saan patuloy na dumadagsa ang mga pinaghihinalaang Chinese militia sa kabila ng paulit-ulit na protesta mula sa Pilipinas.

Naglagay din ng buoys ang PCG noong 2022 malapit sa Lawak (Nanshan), Likas (West York), Parola (Northeast Cay), at Pag-asa (Thitu) Island. Sa kabuuan, nakapaglagay ang PCG ng 10 navigational buoys at plano pang dagdagan ng anim ngayong taon.

Ang paglalagay ng mga buoy ay bahagi ng pangako ng PCG na igiit ang soberanya ng bansa sa WPS, sinabi ni PCG Commandant Adm. Artemio Abu. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMga anak ni Paolo kay Lian, bet nang magpapalit ng apelyido!
Next article2 lotto bettor instant milyonaryo sa magkasunod na araw

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here