Home NATIONWIDE PCG bibili ng dalawang 19-seater plane sa WPS patrol ops

PCG bibili ng dalawang 19-seater plane sa WPS patrol ops

MANILA, Philippines – Tinitignan ng Philippine Coast Guard (PCG) na makakuha ng dalawang 19-seater na eroplano para sa kanilang patrol operations sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armando Balilo na magsisimula na ang proseso ng bidding para sa dalawang eroplano pagkatapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang badyet na P1.6 bilyon.

“This will complement the vessels deployed in the WPS and other areas of concern while on patrol operations,” sabi ni Balilo.

Sa ngayon aniya ay mayroon lamang dalawang eroplano ang PCG– isa ay Islander plane at isang Cessna.

Ayon pa kay Balilo, idedeploy ang mga ito sa substations upang tumulong sa detachment sa West Philippine Sea.

Sa ika-122 anibersaryo ng pagkakatatag ng PCG nitong Martes, nangako si Marcos na susuportahan at i-upgrade ang PCG sa pamamagitan ng pagbibigay ng modernong kagamitan at pagsasanay ng mga tauhan upang matugunan ang mga hamon sa WPS at ang papel nito sa paghahanap, pagsagip, at pagtugon sa kalamidad.

Inihayag niya ang planong pagkuha ng 40 pang 15-meter fast boat para sa PCG na gagamitin bilang patrol vessels at nagpasalamat sa mga kaalyado ng bansa sa pagtulong sa WPS.

Sa nasabing selebrasyon, iniharap ni PCG Commandant, Admiral Artemio Abu ang mga pangunahing nagawa ng PCG kabilang ang pagsagip sa kabuuang 6,332 distress individuals at paglahok sa mga anti-smuggling operations na naka-target sa 24 na bodega sa Maynila. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePamilya ng 3 nasawing Pinoy sa Israel binigyan ng tig-P500K ni Romualdez
Next article3 timbog sa P340K shabu