Home NATIONWIDE PCG bibili ng high-end drones pampalakas sa border security

PCG bibili ng high-end drones pampalakas sa border security

282
0

MANILA, Philippines – Plano ng Philippine Coast Guard (PCG) na gumamit at bumili ng high-end drones upang palakasin ang kakayahan nito at nang border security.

Sinabi ni Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo na ang paggamit ng drones ay mas makakatipid ng oras at gasolina sa PCG sa pagsasagawa ng maritime patrols.

Ayon kay Balilo, kung sila ang masusunod ay dapat magkaroon ang lahat ang PCG districts ng kahit Isang drone.

Nagbigay din siya ng recap ng trilateral maritime exercise ng PCG kasama ang Japan Coast Guard (JCG) at United States Coast Guard (USCG) sa Mariveles, Bataan noong Hunyo 1-7.

Aniya, sa “Kaagapay” drills, nalaman ng PCG na ang USCG ay may malaking drone na maaaring magsagawa ng surveillance activities sa mga nakapaligid na tubig.

Ang JCG ay gumagamit din ng US-made surveillance drones.

“‘Yun ang wala tayo na noong nakita namin, talagang na-inggit kami. Talagang malaking bagay ito, malaking tulong ito. Imagine mo kapag nasa isang area kayo ng operations, mas mabilis na makaka-ikot ang drone,” sabi ni Balilo.

Batid aniyang mahal ang modernong drone ngunit nabanggit na ang pagiging epektibo nito sa gastos ay mas hihigit sa pagbili ng mga sasakyang-dagat dahil sa kanyang unmanned operability at high-security features.

Sinabi pa ng tavapagsalita ng PCG na ang paggamit ng drones ay magappadali sa pagsubaybay sa presensya ng foreign vessels at iba pang labag sa batas na maritime operations.

Ayon kay Balilo, dahil sa “limitadong pondo” nito, hindi pa isasama ng PCG ang planong pagbili ng mga drone sa listahan ng mga kagamitan na bibilhin sa gitna ng patuloy na pagsisikap na gawing moderno ang Coast Guard.

Gayunpaman, sinabi ni Balilo na ilang bansa ang nagpahayag ng kanilang layunin na mag-alok ng mga gawad para sa pagbili ng mga drone.

Naniniwala ito na ang mga drone ay ang “future of maritime patrol” sa bansa.

Binigyan diin ni Balilo na ang tungkulin na ginagampanan ng PCG ay napakalaki at kailangangdagdagan ang mga gamit para maanatili ang maritime domain awareness. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleCorpus Christi ipagdiriwang sa Manila Cathedral
Next articlePagsipsip ng natitirang langis sa MT Princess matatapos sa Hunyo 19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here