Home HOME BANNER STORY PCG: Chinese vessels muling nagsagawa ng ‘dangerous maneuvers’

PCG: Chinese vessels muling nagsagawa ng ‘dangerous maneuvers’

MANILA, Philippines- Inakusahan ng Philippine Coast Guard noong Linggo ang mga sasakyang pandagat ng China ng “mapanganib” na mga maniobra sa siyam na araw na pagpapatrolya malapit sa isang bahura sa baybayin ng bansa sa Southeast Asia.

Ipinadala ang barko ng Pilipinas ang BRP Teresa Magbanua sa unang bahagi ng Pebrero upang magpatrolya sa katubigan sa Scarborough Shoal, isang mayamang fishing ground sa South China Sea, at naghahatid ng mga probisyon sa mga mangingisdang Pilipino at tinitiyak ang kanilang kaligtasan.

Ang bahura ay naging flashpoint sa pagitan ng mga bansa mula nang agawin ito ng China mula sa Pilipinas noong 2012.

Mula noon, ang Beijing ay nagtalaga ng mga patrol boat kung saan sinasabing hina-harass ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at pinipigilan ang mga mangingisdang Pilipino na makarating sa lagoon kung saan mas maraming isda.

Sa ilang araw na pagpapatrolya, muling nagsagawa ng mapanganib na maniobra ang Chinese Coast Guard (CCG) vessels laban sa BRP Teresa Magbanua nang apat na beses, kasama ang CCG vessels na tumawid sa harapan ng PCG vessel ng dalawang beses, bukod pa sa sinusundan din ng CCG ang barko ng Pilipinas sa mahigit 40 pagkakataon. Naobserbahan din ang apat na Chinese Maritime Militia vessels.

Noong nakaraang buwan, nagkasundo ang Chinese at Philippine officials sa pangangailangan para sa pag-uusap upang harapin ang “maritime emergencies” sa waterway habang tumitindi ang mga tensyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePBBM, First Lady nagbigay ng ‘tips’ para sa pangmatagalang relasyon
Next articleVoter’s ID sinisilip ibalik ng Comelec