MANILA, Philippines- Nagtagal ang mga Chinese vessel sa Scarborough Shoal at naglabas ng radio challenge sa mga awtoridad ng Pilipinas matapos alisin ang harang na inilagay sa Beijing na nagpapalayo sa mga mangingisdang Pilipino sa lugar, sinabi ng Philippine Coast Guard noong Biyernes.
Sa isang oras na maritime domain awareness (MDA) flight noong Huwebes, sinabi ni Tarriela na na-monitor ang presensya ng tatlong China Coast guard vessels, dalawa rito ay nasa loob ng lagoon o Bajo de Masinloc at ang isa ay nagpapatrolya sa labas.
“During the entire duration of the flight, we were challenged by the Chinese Coast Guard 6 times over the radio,” sabi ni Tarriela.
Namataan din ng PCG ang dalawang dalawang Filipino fishing boats sa lugar.
Inilabas ng PCG ang video noong Lunes na nagpapakita ng isang lalaki na nakasuot ng snorkeling gear gamit ang isang kutsilyo upang maputol ang isang lubid na nakakabit sa mga puting buoy, habang ang isa naman ay nagpakita ng isang anchor na hinahatak mula sa tubig patungo sa isang wooden outrigger boat.
Ayon kay Tarriela, matapos maputol ang lubid, inalis ng Chinese government ang barrier.
“There is no more floating barrier at the entrance of Bajo de Masinloc,” sabi pa ni Tarriela.
“We never really took the barrier, we just cut the anchor of the barrier. Hindi sinasabi ng Philippine Coast Guard o ng Pamahalaan ng Pilipinas na kami ang nagtanggal ng hadlang,”p aglilinaw pa ng opisyal.
Ang floating barrier ay inilagay ng Chinese government upang pigilan ang mga bangkang pangisda na makapasok sa mababaw na tubig ng shoal kung saan mas maraming isda.
Inaangkin ng China ang soberanya sa halos buong South China Sea, sa kabila ng desisyon ng internasyonal na korte noong 2016 na walang legal na batayan ang paninindigan nito.
Matatagpuan ang Scarborough Shoal sa layong 240 kilometro sa kanluran ng pangunahing isla ng Luzon ng Pilipinas at halos 900 kilometro mula sa pinakamalapit na malaking lupain ng China sa Hainan.
Sinabi ng mga grupo ng mangingisda na handa silang tumulong sa mga awtoridad na idokumento ang agresibong taktika ng Chinese vessels sa West Philippine Sea kung bibigyan sila ng gobyerno ng kagamitan at seguridad.
Pero ayon kay Tarriela, pinahahalagahan ng mga awtoridad ang ganoong uri ng makabayang pagboboluntaryo, ngunit hindi rin umano nila nais na malagay sa panganib ang kaligtasan ng mga mangingisda. Jocelyn Tabangcura-Domenden