Home NATIONWIDE PCG: Distressed Chinese vessel sa Tacloban, ‘kahina-hinala’

PCG: Distressed Chinese vessel sa Tacloban, ‘kahina-hinala’

97
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na kahina-hinala umano “claims” ng distressed Chinese vessel, na tinulungan  sa Eastern Samar noong Enero at nanatiling nakadaong sa Tacloban City.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, PCG’s deputy chief ng coast guard staff for human resource management, ang MV Kai Da 899 ay bigong makapagpakita ng mga kaugnay na dokumento para sa mga operasyon nito.

“That’s why for the Philippine Coast Guard it’s suspicious that these statutory documents to prove the registry and ownership of the vessel is not present on board the vessel,” sabi ni Tarriela.

Maging ang mga crew ng barko ay wala ring sapat at valid identification. Kahina-hinala rin ang ruta ng barko.

Ayon kay Tarriela, hindi pinapayagang makababa ng barko ang mga crew dahil wala silang immigration documents na magpapatunay na sila ay Chinese nationals.

Humingi ng tulong ang PCG sa Bureau of Immigration para sa tamang disposisyon ng “undocumented” seafarers. Hiniling din nito sa Bureau of Customs ang kustodiya ng “stateless” vessel.

Ang nasabing barko ay napag-alaman na hindi na ligtas para sa paglalayag at nabigong matugunan ang maritime safety standards batay sa nakuha ng PCG na kopya ng certificate of deletion ng ship registration na  inisyu ng Chinese government.

Ang barko ay narescue sa karagdagang sakop ng  Suluan Island in Guiuan, Eastern Samar noong  Jan. 26 makaraang makaranas ng problema ang makina nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMuslim prayer room sa mga gov’t building, private establishment hirit ni Hataman
Next articleLea, nagpaka-fan girl sa BTS!