Home HOME BANNER STORY PCG: Floating barriers muling pinakalat ng Chinese Coast Guard sa WPS

PCG: Floating barriers muling pinakalat ng Chinese Coast Guard sa WPS

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard ang muling paglalagay ng Chinese Coast Guard ng mga floating barrier sa West Philippine Sea.

“Ang Chinese Coastguard ay muling naglagay ng kanilang floating barrier noong Feb 22. Ito ay ilang oras bago nila namonitor ang presensya ng BFAR vessel… It supports our hypothesis that every time they install barrier, every time they monitor BFAR will be sending their vessel, sa tuwing sinusubaybayan nila ito, ilalagay nila ang harang,” ani PCG spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela.

Ayon kay Tarriela, mismong mga mangingisda ang nakakita sa mga lumulutang na harang sa Bajo de Masinloc.

Gayunman, binanggit niya na inaalis ng Chinese Coast Guard ang mga harang kapag walang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa lugar.

Binigyang-diin din ni Tarriela na bahagi ng mga aksyon ng China ang pag-jam sa tracking system ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Pahayag pa niya, pangatlong beses na itong nangyari, na humahadlang sa mga barko sa pagpapadala ng automatic identification signals (AIS).

Sa pamamagitan ng sistema ng AIS, natutukoy ang eksaktong lokasyon ng mga barko.

“We are actually suspecting that peoples Republic of China has the capability to jam our AIS transmission. When we deployed BRP Teresa Magbanua, we know for a fact na ang AIS niya ay naka-on, but at some point nawawala yung signal niya… BRP Datu Tamblot also experienced the same thing. Also for this deployment, recently napansin namin na yung BRP Datu Sanday also lost yung AIS transmission niya,” ani Tarriela.

“Naghinala din kami na ginagawa nila ito para suportahan nila ang kanilang salaysay na tuwing nandoon tayo, sinasabi na matagumpay nilang itinaboy tayo, ang sasakyang pandagat ng gobyerno ng Pilipinas,” dagdag pa niya.

Dahil sa jamming, hindi nila namonitor ang mga barko.

Sa kabila nito, nakipag-ugnayan at namonitor ng Philippine Coast Guard ang sitwasyon ng mga barkong tumulak at nalaman na ligtas na ang mga ito. RNT

Previous articleEDSA anniv message ni VP Sara binura
Next articleUnified regulation ng e-bikes, e-trikes sa NCR target ni Zamorra