Home OPINION PCG MAMAMAHALA SA OPERASYON NG  PASIG RIVER, PAGTANGKILIK HINILING SA PUBLIKO

PCG MAMAMAHALA SA OPERASYON NG  PASIG RIVER, PAGTANGKILIK HINILING SA PUBLIKO

ANG PCG o Philippine Coast Guard na ang siyang mamamahala sa operasyon ng Pasig River ferry service matapos itong lumag­da sa isang MOA o memorandum of agreement kamakailan.

Sa kasunduang pinasok ng PCG kasama ng MMDA o Metropolitan Manila Development maliban sa operasyon ay ito rin ang siyang bahala sa regular maintenance ng mga ferry boat at pagsasaayos kung may sira ang mga ito, habang ang MMDA naman ang siyang in-charge sa kita.

Umaasa ang PCG na tatangkilikin ng publiko ang Pasig Ri­ver ferry boat lalong higit ng mga estudyante sa University Belt at sa Polytechnic University of the Philippines para mabawasan ang bigat ng trapiko sa mga lansangan ng Metro Manila.

Tatahaking ruta pa rin ang mula sa Pinagbuhatan sa Pasig City hanggang sa Escolta, Maynila at vice versa.

Para maseguro ang kaligtasan ng mga mananakay, magsasagawa ang PCG ng pre-departure inspection. Pagtitiyak din ng pamunuan na may kahandaan ito sa search and rescue operations saka-sakaling magkaroon ng anomang aksidente sa kahabaan ng pamosong Pasig River.

Tiwala si MMDA chairperson Romando Artes na mas magagampanan ng PCG ang maayos na pagbibigay serbisyo sa mga mananakay na naghahanap ng mas mabilis na alternatibong ruta para makarating ng mas mabilis sa trabaho at sa mga paaralan.

Sa traffic index report ng Tom Tom, lumabas na umaabot sa 6 days and 13 hours ang nawawalang panahon sa isang mananakay sa Metro Manila dahil sa mabigat na trapiko kapag rush hours lalo na kapag araw ng Biyernes.

Ikinatuwa ni PCG commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang pagtitiwala ng MMDA sa kanilang ahensiya. Malaki umano ang magagawa nitong tulong sa inaasahang mabigat na trapiko ngayong Christmas rush.

Previous articleLotto Draw Result as of | December 15, 2023
Next articleGISAHIN MGA ONLINE LENDING