Home NATIONWIDE PCG nagpaalala sa mga lalahok sa Christmas convoy

PCG nagpaalala sa mga lalahok sa Christmas convoy

MANILA, Philippines- Hinimok ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga sibilyan na lalahok sa Chistmas convoy sa West Philippine Sea (WPS) sa susunod na buwan na maghanda sa masamang panahon, tiyakin ang seaworthiness ng kanilang sasakyang-dagat na gagamitin at maging maingat sa Chinese maritime vessels na maaring sumunod sa kanila.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, spokesperson ng National Task Force for West Philippine Sea (NTF-WPS) na magde-deploy ang PCG ng sariling barko upang eskortan ang mga miyembro ng Atin Ito! Coalition na gustong magtungo sa Ayungin Shoal upang magbigay ng regalo sa mga tropa na nagbabantay sa BRP Sierra Madre, ang nag-iisang outpost ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lugar.

Sinabi ni Tarriela na ang mga kalahok sa convoy ay aalis sa Disyembre 5 mula El Nino, Palawan sakay ng 40 bangka.

Ayon kay Tarriela, ang biyahe ay aabot ng 18 hanggang 24 oras.

“Ang naging agreement ng NTF-WPS with the organizers ng Atin Ito, we were able to clarify na ang pagpunta sa BRP Sierra Madre ito ‘yung hindi posibleng magawa. Inilatag ng NTF-WPS ‘yung danger na ginagawa dito (Our agreement at the NTF-WPS with the organizers of Atin Ito is that we were able to clarify that going to BRP Sierra Madre is not possible. The NTF-WPS laid out the dangers that they will face),” sabi ni Tarriela sa “Bagong Pilipinas” public briefing .

Sigurado aniyang magde-deploy ng mas maraming barko ang China Coast Guard kasama ang Chinese maritimer militia.

Saklaw ng AFP ang siyam na isla sa Spratly Islands sa South China Sea kabilang Ayungin  Shoal, Pag-asa (Thitu) Island, Rizal (Commodore) Reef, Patag Island, Panata Island, Kota Island, Lawak Island, Parola Island, at Likas Island. Ang pinakamalaki rito ay ang Pag-asa Island.

Samantala, sinabi ni Tarriela na kailangang kumuha ng kinakailangang travel permit ang Atin Ito! Coalition sa Maritime Industry Authority (Marina) bago payagang makapaglayag upang masiguro na ang gagamitin nilang sasakyang-dagat ay ligtas para bumiyahe.

Aniya, hindi maaring gumamit ng fishing boats ang grupo dahil hindi ito maaring maglayag nang malayuan at hindi naaayon sa panahon sa WPS.

Nakipag-uganayan na rin ang PCG sa organizers ng grupo para pag-usapan ito bago ang planong convoy upang maplantsa ang detalye ng kakailangang escort.

“We have the mandate to ensure maritime safety sa karagatan natin,” sabi ni Tarriela.

“The PCG should be able to deploy vessels to ensure the safety of those who will participate in the Christmas caravan.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article₱3.4M shabu nasamsam sa Sulu
Next articleClarin, Pacquiao nagpartisipa sa YGG Web3 Games Summit