MANILA, Philippines – Ipinadala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang BRP Melcchora Aquino (MRRV-9702) upang umalalay sa ibang barko para sa rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal mula Nobyembre 9 hanggang 11.
Kasama ng 44-meter vessels BRP Cabra (MRRV-4409) at BRP Sindangan (MRRV-4407), ang 97 -meter vessel BRP Melchora Aquino ay nakaranas din ng patuloy na panghaharass mula sa Chinese Coast guard at maritime militia vessels na humarang patungong Ayungin Shoal.
Maaalala na binangga ng mga barko ng China ang resupply boats Unaizah Mae 2 noong Oktubre 22 sa isinagawang resupply mission.
Binangga din ng Chinese militia ang port side ng BRP Cabra.
Dahil kinukumpuni pa ang Unaizah Mae 2, idineploy ng Armed Forces of the Philippines ang M/L Kalayaan nitong November mission.
Ang M/L Kalayaan ay isang fiberglass motor launch na pag-aari ng municipal government na may hurisdiksyon sa Ayungin.
Ngunit maging ang M/L Kalayaan ay ginamitan din ng water cannon upang itaboy ang M/L Kalayaan pero sinabi ng National Task Force – West Philippine Sea na napanatili ng motor launch ang kanyang kurso.
Sa isang pahayag, sinabi ng NTF-WPS na ang China Coast Guard at Chinese maritime militia vessels ay “walang ingat na hinaras, hinarangan, nagsagawa ng mga mapanganib na maniobra sa isa pang pagtatangkang iligal na hadlangan o hadlangan” ang misyon sa Ayungin.
Idinagdag ng task force, ang mga supply boat na Unaizah Mae 1 at M/L Kalayaan ay sumailalim din sa “extremely reckless and dangerous harassment at close proximity by CCG rigid hull inflatable boats (RHIB).” Jocelyn Tabangcura-Domenden