Home NATIONWIDE PCG nakapagtala na ng higit 40K pasahero sa mga pantalan

PCG nakapagtala na ng higit 40K pasahero sa mga pantalan

MANILA, Philippines – Ilang araw bago ang paggunita ng Semana Santa, ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nakapagtala na ng 22,522 outbound passengers at 20,343 inbound passengers sa lahat ng daungan sa buong bansa ngayong Marso 25 ng umaga.

Nagpakalat na rin ng 3,205 frontline personnel sa lahat ng 15 PCG Districts at ininspeksyon ang 267 vessels at 135 motorbancas.

Inilagay ng PCG ang mga districts, stations at sub-stations sa heightened alert mula Marso 24 hanggang 31 upang pangasiwaan ang pagbuhos ng mga pasahero sa mga pantalan.

Sinabi ng PCG na maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa opisyal na Facebook page nito o ang Coast Guard Public Affairs Service (0927-560-7729) para sa mga katanungan, alalahanin, at paglilinaw tungkol sa mga protocol at regulasyon sa paglalakbay sa dagat sa panahon ng Semana Santa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article50 pamilya apektado ng sunog sa Tondo
Next articleMalakihang taas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad bukas!