Home NATIONWIDE PCG nakatanggap lang ng P10M intel fund kada taon sa nakalipas na...

PCG nakatanggap lang ng P10M intel fund kada taon sa nakalipas na dekada

MANILA, Philippines- Nakatanggap lamang ang Philippine Coast Guard (PCG) ng P10 milyong intelligence fund kada taon sa nakalipas na dekada, ayon kay spokesperson for West Philippine Sea Jay Tarriela nitong Martes.

Sinabi ni Tarriela na nakakuha ang PCG ng P10 milyong intelligence fund kada taon mula 2013 hanggang 2023.

Mas mababa pa ito noong 2021, na nagkakahalaga lamang ng P6.4 milyon.

Higit namang mababa ang intelligence funds sa loob ng limang taon bago ang period na ito sa halagang P400,000 lamang

Ito ang budget ng PCG para sa 2006, 2008, 2009, 2010 at 2011.

Noong 2007, sumadsad pa ang intelligence fund sa P325,000.

Inihayag ni Tarriela na nakatanggap lamang ang PCG ng kabuuang P118.7 milyong intelligence funds sa nakalipas na 17 taon.

Inilahad niya ito sa isang Twitter post.

Inilatag niya ang usapin sa pagsasabing, “I would like to update and provide accurate information regarding the [PCG’s] intelligence fund since 2006.”

“As a public official, I would like to be transparent and ensure that we do not understate our confidential and intelligence funds,” paliwanag niya.

Itinutulak ng mga mambabatas na dagdagan ang intelligence funds para sa uniformed service.

Kabilang sa kanila sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Risa Hontiveros.

Naobserbahan ng mga senador na ang kasalukuyang budget ng PCG ay maliit para sa ahensya na nahaharap sa panganib sa pagprotekta sa sovereign right ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Iminungkahi naman ni ACT Teachers party-list Representative France Castro na ibigay na lamang ang P500 milyong intelligence at confidential funds para sa Office of the Vice President para sa susunod na taon sa PCG. RNT/SA

Previous articleKumpirmasyon ni Ted Herbosa bilang DOH Secretary, sinuspinde ng CA
Next articleSen. Imee Marcos nanguna sa ceremonial turn-over ng bagong firetrucks