Home HOME BANNER STORY PCG nakipag-ugnayan sa Tsina sa OccMin maritime incident

PCG nakipag-ugnayan sa Tsina sa OccMin maritime incident

MANILA, Philippines- Naiparating na ng Philippine Coast Guard (PCG) sa China ang insidente ng pagbanga ng Chinese-flagged bulk carrier vessel sa Filipino fishing boat sa karagatan malapit sa Paluan, Occidental Mindoro.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, sumulat na ang kanilang maritime safety officer sa China ukol sa insidente.

“Kung meron pong sapat na ebidensya at may kasamaan iyong pong nangyari ay dapat po ay panagutin iyong kanilang mga tauhan,” ani Balilo.

Magsasagawa rin ang PCG ng imbestigasyon.

Sinabi ng PCG na binangga ng Chinese-flagged vessel MV TAI HANG 8 ang Filipino boat FBCA Ruel J noong Martes ng hapon.

Limang mangingisda ang nailigtas na kinilalang sina Junrey Sardan, Ryan Jay Daus, Bryan Pangatungam, Cristian Arizala, at Joshua Barbas .

Nauna rito, humingi ng tulong ang may-ari ng distressed boat sa pamunuan ng dayuhang barko, sinabing negatibong nakaapekto sa kanilang kabuhayan ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleEnd-to-end encryption ng Messenger, Facebook chats ikakasa ng Meta
Next articleUP scientists nagbabala vs parasites sa hilaw na gulay, seafood