MANILA, Philippines – Sinibak na ang dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard Sub-Station Bianngonan, Rizal kasunod ng pagtaob ng M/B Aya Empress nitong Huwebes, Hulyo 27, sa bahagi ng Laguna Lake.
Ito ay makaraang ipag-utos ito ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nangyaring trahedya kung saan sa huling update ng PCG ay kinumpirmang 26 na ang nasawi.
Sa press conference sa PCG headquarters, sinabi ni Abu na inalis sa pwesto ang dalawang PCG personnel upang hindi manghimasok sa isinasagawang parallel investigation.
Sinabi ng komandante na aalamin din kung may kapabayaan o pagkukulang sa panig ng mga Coast Guard personnel kung bakit hinayaang mag-overload ang bangka at nakaalis na walang mga suot na life vest ang mga pasahero.
“Hindi pa natin masasabing may pagkukulang sila, ano–to determine, thats why we need to replace them, relieve them but therefore para hindi na sila mag-interfere sa pag-conduct ng investigation,” wika ni Abu. Jocelyn Tabangcura-Domenden