Home OPINION PCG PINURI SA PAGLALAGAY NG NAVIGATIONAL BUOYS SA WEST PHILIPPINE...

PCG PINURI SA PAGLALAGAY NG NAVIGATIONAL BUOYS SA WEST PHILIPPINE SEA

525
0

KINILALA ni Representative Rufus Rodriguez ng second district, Cagayan de Oro City, ang Philippine Coast Guard, sa paglalagay nito ng karagda-gang limang navigational buoys sa West Philippine Sea na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ayon sa kongresista, ang ginawa ng PCG ay diplomatikong pagpapaalam sa bansang China at iba pang mga bansa na ang West Philippine Sea ay bahagi ng ating EEZ na kinikilala ng international law partikular ng United Nations Convention on the Law of the Seas.

Kaugnay nito, hinikayat pa niya ang PCG na dapat pang dagdagan ang navigational buoys sa ating mga karagatan mula sa itaas na bahagi ng Ilocos Norte hanggang sa bahagi ng Palawan upang magsilbing tanda sa China at iba pang mga bansa na ito ay bahagi ng pambansang teritoryo ng Pilipinas.

Sinabihan din niya ang PCG na isama sa 2024 budget nito ang kakailanganing pondo para sa karagdagang mga boya at hilingin ang tulong ng Philippine Navy para mapabilis ang paglalagay nito sa ating teritoryo.

Iniulat ng PCG na nitong May 10 at 12 sa pamamagitan ng Task Force Kaligtasan sa Karagatan ay inilagay ng mga tauhan ng tanod baybaying dagat ang mga boya sa Patag Island, Balagtas Reef, Kota Island, Panata Island at Julian Felipe Reef.

Nais ni Congressman Rodriguez na kaagad na makapaglagay ng navigational buoys ang PCG sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal na 120 miles lamang ang layo sa mga lalawigan ng Zambales at Pangasinan, at tradisyunal na pangisdaan ng mga mangingisdang Pilipino sa matagal nang panahon.

Pero inokupa ito ng China noong taong 2012 mataapos ang naganap na standoff sa pagitan ng ating PCG at China Coast Guard.

Inaangkin ng China ang kabuuan ng West Philippine Sea o ang South China Sea sa pamamagitan ng nine-dash line claim pero sa isang arbitral ruling sa The Hague, Netherlands noong taong 2015 ay sinabing iligal ang pamamaraang ito ng China, pero patuloy itong nagmamatigas at hindi kinikilala ang arbitrary ruling.

Previous articleDROGA AT PDEG
Next articlePAMASAHE: ANGKAS – P396, JOYRIDE – P286

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here