Home METRO PCG: Speedboat sa Zambo nagliyab!

PCG: Speedboat sa Zambo nagliyab!

MANILA, Philippines- Nasunog ang isang speedboat habang nagsasagawa ng sea trial sa baybayin ng Zamboanga City Pier.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ang Fadi Laminusa Express ay umalis sa Tres Maria’s Bakiwasan Seaside, Zamboanga City nang mapansin ng crew na may apoy sa pagitan ng fuel tank at battery.

Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng PCG, napatay ang sunog makalipas ang isang oras habang ang speedboat ay tuluyang lumubog sa layong 300 metro sa timog ng Barangay Mariki, Zamboanga City.

Agad na ginamot ng Coast Guard Medical Clinic-Southwestern Mindanao ang tatlong nasagip na tripulante na nagtamo ng first-degree burns. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleWrit of execution ‘di na kailangan sa sa huridiksyon sa 10 barangay – Taguig City
Next article204K posisyon sa gobyerno, bakante