MANILA, Philippines- Pinagbawalan na pumasok sa isang Chinese vessel na nakadaong ngayon sa city port area ang isang team ng Philippine Coast Guard (PCG) para magdala ng pagkain sa mga crew matapos iligtas sa Eastern Samar province.
Ayon kay Lt. Commander Ramil Montemar, hindi sila pinayagan na makapasok sa barko upang iabot ang pagkain at matignan ang kalagayan ng mga crew noong Sabado.
“When we were about to get in the ship, one of the Chinese crew handed to me a phone to talk with someone on the line. We told the person by phone our intention to check the ship, but that person did not allow us,” ayon kay Montemar.
Kinilala ito ng opisyal na si Cherry Song. Ang kanyang pangalan ay nabanggit sa spot report na inilabas noong Jan. 27 na isa sa tinawagan ng PCG at ipinagbigay alam ang sitwasyon ng Chinese vessel malapit sa Suluan Island sa Guiuan town, Eastern Samar.
Kasama aniya si Song nang magsagawa ng inspeksyon sa Tacloban port kasama ang PCG personnel noong Jan. 28, Bureau of Immigration, at Bureau of Customs.
“We just brought rice, canned goods, water, and fruits since it is our duty to assist distressed individuals. Since we’re not allowed to enter, we just handed the food and they thanked us,” dagdag pa ni Montemar.
Ininspeksyon din ng PCG ang oil spill boom na inilagay upang masiguro na ang katubigan at marine life sa paligid ng lungsod ay protektado mula sa posibleng oil spill.
Habang nasa karagatan sakop ng PCG Eastern Leyte-Tacloban ,isinagawa ang regular security patrol upang matiyak ang kaligtasan ng Chinese crew.
Sinuri ng PCG ang mga tripulante isang linggo matapos nilang iligtas ang Chinese vessel matapos masira ang hull o katawan ng barko sa karagatan ng Suluan Island sa Guiuan noong Enero 27. Hinila ito sa Port of Tacloban sa parehong araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden