Home NATIONWIDE PCG todo-alerto pa rin sa mga pantalan

PCG todo-alerto pa rin sa mga pantalan

MANILA, Philippines – Nakaalerto pa rin ang Philippine Caost Guard (PCG) sa gitna ng patuloy na pagdating ng mga pasahero sa ibat-ibang daungan sa buong bansa.

Sa datos mula sa pinakahuling monitoring ng PCG, sinabi ni PCG Deputy spokesperson Lt. Junior Grade Jherich John Ybañez na nasa 74,000 outbound  passengers  at 57,000 inbound passengers  na ang bumiyahe sa mga daungan ng bansa noong Miyerkules, Disyembre 28.

“It varies pero ganiyan ang mga numbers na estimate natin, pwedeng tumaas, pwedeng bumaba. Hopefully naman walang delay pero yung usual cause ng delay that we’re monitoring really is the weather,” sabi ni Ybañez sa PTV Bagong Pilipinas Ngayon,

Tinatayang 15,000 PCG personnel ang nakatalaga sa mga pantalan at coast guard district para sa darating na pagdagsa ng mga pasahero.

Nasa heightened alert ang PCG hanggang Enero 3 sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Ybañez na mayroon na silang 347 na sasakyang pandagat at 119 na motor banca sa buong bansa.

Samantala, hinimok ni Ybañez ang mga pasahero sa pantalan na planuhin nang maaga ang kanilang mga biyahe upang maiwasan ang mahabang pila. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous article#Naputukan umabot na sa 96 biktima
Next articleAccessible, adaptable na healthcare service siniguro ng DOH