Home NATIONWIDE PCG tumangging tumanggap ng suhol kapalit ng pagpapalayag sa MBCA Princess Aya

PCG tumangging tumanggap ng suhol kapalit ng pagpapalayag sa MBCA Princess Aya

332
0

MANILA, Philippines- Pinabulaanan ni PCG spokesperson Rear Admiral Armando Balilo ang sinabi ni Donald Anain sa pagdinig ng Senado noong Martes, Agosto 8, na ang on-duty na coast guard personnel ng PCG Sub-Station Binangonan ay tumanggap ng P100 halaga ng saging at P50 bilang suhol na nagpapahintulot sa bangka na makapaglayag.

“That’s absurd. I do not think our personnel would resort to accepting banana and fifty pesos in exchange of favors,” sabi ni Balilo.

“The captain denied giving liquors to our personnel. Our personnel also denied demanding any of these items. Wala silang tinatanggap,” dagdag ni Balilo.

Ang MBCA Princess Aya ay umalis mula Binangonan Port patungong Talim Island nang lumubog ito matapos hampasin ng malakas na hangin, ‘di kalayuan sa pampang ng Laguna de Bay sa Binangonan, Rizal noong July 27.

Sakay ng bangka ang 68 pasahero kabilang ang 63 pasahero at limang crew sa kabila ng 42 katao lamang ang kapasidad nito.

Sa pagdinig sa senado, aminado si PO2 Jay Rivera ng PCG sub-station sa Binangonan na pinirmahan nito ang manipesto na nagsasaad na ang bangka ay may sakay lamang na 22 pasahero kaya pinayagang maglakbay .

Ang insidente ay nagresulta ng pagkamatay ng 27 pasahero habang 41 iba pa ang nakaligtas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleIsyu ng pagpapadala ng mga kadeteng Pinoy sa Beijing tatalakayin ng NTF-WPS – Malaya
Next articlePBBM bukas pa rin sa nuclear energy

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here