Home NATIONWIDE PCGG nakapagbigay sa kaban ng bayan ng halos P3B sa 2023

PCGG nakapagbigay sa kaban ng bayan ng halos P3B sa 2023

MANILA, Philippines – Umabot sa P2.6 billion ang nai-remit na pera ng Presidential Commission on Good Government (PCCG) sa Bureau of Treasury (BTr).

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Boying Remulla kasabay ng pagbati sa PCGG sa ika-38 taon ng pagserbisyo nito sa bayan.

Ang PCGG ay isa sa ahensya na nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOJ.

Sinabi ni Remulla na ang P2.6 billion ang pinakamalaking koleksyon sa loob ng limang taon. Umabot na aniya sa P280 billion ang narekober na cash at non-cash ng PCGG na lagpas pa sa target na P410 million.

“We join the PCGG in celebrating this significant milestone. I salute the men and women of the PCGG for their unrelenting dedication to public service,” ani Remulla.

Tiniyak ni Remulla na sisikapin nito na maipatupad ang pangako mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawin bilang permanenteng central anti-corruption agency ang PCGG. Teresa Tavares

Previous articleMaritime territory ng Pinas didipensahan, mangingisdang Pinoy tutulungan – PBBM
Next articleMeralco nagbabala vs mapanlinlang na text message sa costumers