Home NATIONWIDE PCO lalagda ng MOU sa partner agencies vs disinformation, misinformation

PCO lalagda ng MOU sa partner agencies vs disinformation, misinformation

192
0

MANILA, Philippines- Handa na ang Presidential Communication Office (PCO) na ipatupad ang Media and Information Literacy (MIL) Campaign Project ng administrasyong Marcos.

Sa katunayan, magkakaroon ito ng ceremonial signing ngĀ  Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang partner agencies sa darating na Lunes, Agosto 14, 2023.

Ang aktibidad ay gagawin sa Hilton Manila sa Pasay City.

Ang MIL ang tugon ng administrasyon sa “disinformation at misinformation” na salot sa digital landscape ng bansa na nakatuon sa pagpapahusay sa mga kabataan na maging masĀ  maunawaing consumers ng media.

Sa kabilang dako, ang iba pang ahensya na kasama sa inisyatiba ay ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“These agencies will collaborate with the PCO on a comprehensive execution plan crafted to target the identified root causes of the issue. The MIL will be integrated into the higher education curriculum, community-based trainings, and family-oriented programs,” ayon sa Malakanyang.

Inaasahan naman ang mga social media companies at kanilang mga plataporma na makikipag-sanib pwersa sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapahiram ng ‘tools’ o gamit at kasanayan para labanan ang “disinformation at misinformation.”

Samantala, kabilang maman sa mga ito ay angĀ  Google (YouTube), Meta (Facebook, Instagram, at Threads), TikTok atĀ  X (formerly Twitter).Ā Kris Jose

Previous articleGranada, sumpak, ice picks nasabat sa Bilibid
Next articleStartUp QC finalists ginawaran ng P5M

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here