Home HOME BANNER STORY PCSO nanindigan sa integridad ng lotto draws

PCSO nanindigan sa integridad ng lotto draws

MANILA, Philippines- Inimbitahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga senador na obserbahan ang mga prosesong may kaugnayan sa pagsasagawa ng lotto draws.

Sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles nitong Lunes na maaari ring magsagawa ang Senate Committee on Games and Amusements ng biglaang inspeksyon upang masaksihan ang lotto draw process “to erase any doubts about the integrity of results” sa lottery draws.

“The PCSO for the past 89 years, has kept its integrity beyond question. And we are committed to following that unsullied reputation. That’s why we are inviting our honorable senators for them to see how the actual processes work,” giit niya.

Kasunod ang pahayag ng opisyal sa mga ulat na inihayag ng mga senador ang kanilang pagdududa sa dumaraming bilang ng lotto winners sa mga nakalipas na buwan.

Nakalaan ang liham para kina committee chairperson Senator Manuel Lapid, vice-chairpersons Senator Christopher ‘Bong’ Go at Senator Raffy Tulfo, maging kina committee members Senators Jose Ejercito Jr., Francis’ Chiz’ Escudero, Ramon Bong Revilla Jr., Francis Tolentino, at Risa Hontiveros.

“We are committed to openness and accountability in the conduct of all our lottery activities. We believe that fostering transparency in the lotto draw process is crucial in maintaining public trust and confidence in the integrity of our operations,” ani Robles.

Matatandaang inihayag ni Senator Imee Marcos ang kanyang pagtataka sa dumaraming bilang ng lotto winners, at sinasabi pang maaari itong makasungkit ng Guinness world record.

Sa Senate inquiry nitong nakaraang linggo, inihayag ng PCSO na handa nitong isumite ang mga pangalan ng lotto winners sa executive session sakaling i-subpoena.

Ito ay matapos sitahin ang PCSO kasunod ng edited photo ng Lotto 6/42 jackpot winner na nag-viral.

Kinumpirma ni Robles na edited nga ang larawan upang protektahan ang pagkakakilanlan ng Bulacan winner na kumubra ng Lotto 6/42 jackpot na nagkakahalaga ng P43,882,361.60 sa PCSO main office noong December 28, 2023.

“Sa executive session, I need to know kung sino yang nanalo kasi nga meron mga balita na katropa nyo ang nanalo,” ani Senator Raffy Tulfo, batay sa ulat.

“So kailangan ko ang pangalan identity nung nanalo…Kung kinakailangan ko mag-hire ng private detective. Kapag na-trace na lumitaw na hindi talaga connected sa inyo e ‘di sasabihin ko rin dito,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articleEconomic provisions unahin sa pag-amyenda sa Konstitusyon – PBBM
Next article2 tiklo sa P225K shabu sa Pasay