PDU30 mahal ang OFWs; Hirit na dagdag-pondo, matik na – Bello

PDU30 mahal ang OFWs; Hirit na dagdag-pondo, matik na – Bello

July 1, 2020 @ 5:06 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Nakatakdang humirit ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng dagdag na pondo kay President Rodrigo Duterte para sa cash assistance ng mga overseas Filipino worker sa ilalim ng Abot-Kamay ang Pagtulong (AKAP) program.

Sa Laging Handa briefing ngayong Miyerkules, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroon pang 500,000 Filipinos na nag-aaplay sa one-time cash aid na P10,000 na maaaring makuha ng mga OFW na naapektuhan ng COVID-19.

“There are about 500,000 more applying for assistance that’s the reason why we would like to ask again for additional funds,” ani Bello.

Inamin naman ng kalihim na nasa P700 million na lamang ang natitirang pondo ng DOLE para sa programa.

 “We still have about PHP700 million given by the President, that is why we are still accepting applications. Because there are so many OFWs who would like to avail of the assistance, we will ask the President for additional funds,” paliwanag ni Bello.

Kumpyansa naman ang kalihim na aaprubahan ito ng Pangulo dahil mahal niya umano ang mga OFW.

 “I’m confident because he super loves our OFWs.”

 

Nauna nang binahagian ng P2.5 billion ang DOLE para sa AKAP program nito na nakatulong na sa 200,000 OFWs. RNT

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...