PDU30, nag-joke: Kongreso, sentro ng The Big One

PDU30, nag-joke: Kongreso, sentro ng The Big One

July 23, 2019 @ 9:19 AM 10 months ago

  • 3
  •  
  •  
    3
    Shares
Share

Manila, Philippines – Gaya ng inaasahan, nagpakawala ng kanyang ‘joke’ si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ikaapat na State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa kahapon.

Aniya, narinig niya sa isang manghuhula na kapag dumating ang “the big thing” o ang malakas na lindol sa Metro Manila, ang magiging sentro ay ang Kamara.

Pinangangambahan kasi ng publiko ang malakas na lindol sa Metro Manila o ang tinatawag na “The Big One”.

Pabirong sinabi pa ng Pangulo na kung mangyari ang malakas na lindol ay sana itaon kung saan nasa Batasan ang lahat, kasama na siya, mga kongresista at senador at mga bisita.

Sinabi pa nito na ang Pilipinas aniya ay masyadong corrupt, lousy at kapag namatay ang lahat ng mga mambabatas pati na ang Presidente ay magkakaroon ng bagong araw para sa bansa.

“I just heard from a psychic that the first crack in the big one hits, will be right here, in the center of this… ‘Yan man ang sabi nila, ‘Philippines is so corrupt, so lousy but if you kill all congressman, senators and the President, we will have a new day. So I pray that if the earthquake comes, it comes now, kumpleto na tayo’,” ayon sa Pangulo.

Sa kabilang dako, hiniling ng Pangulo sa mga mambabatas na aksiyonan ang pagtatatag ng Department of Resilience para mas maayos na mapangasiwaan at maaksiyonan ng gobyerno ang mga kalamidad at sakuna na dumarating sa bansa. Kris Jose

Share

Comments (2)

  • pengeluaran sdy Reply

    … [Trackback]

    […] Read More to that Topic: remate.ph/pdu30-nag-joke-kongreso-sentro-ng-the-big-one/ […]

    May 20, 2020 at 9:41 pm
  • cele mai frumoase Reply

    … [Trackback]

    […] Read More to that Topic: remate.ph/pdu30-nag-joke-kongreso-sentro-ng-the-big-one/ […]

    May 20, 2020 at 10:33 pm

Leave a Reply

Loading...