PDU30 sa mga Pinoy ngayong Mahal na Araw: “move ahead with faith and peace in our hearts”

PDU30 sa mga Pinoy ngayong Mahal na Araw: “move ahead with faith and peace in our hearts”

April 9, 2020 @ 4:40 PM 2 months ago

  • 5
  •  
  •  
    5
    Shares
Share

Manila, Philippines – Ngayong Huwebes Santo ay pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Filipino sa tagumpay mula sa sakripisyo habang ang mga Katoliko sa buong mundo ay ginugunita ang Mahal na Araw habang nakikipaglaban sa pandaigdigang krisis sa kalusugan.

Hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga Filipino na kumuha ng inspirasyon mula sa Lenten season at ipagpatuloy ang matiyagang pagbibigay ng “lasting and transformative change in our society.”

“The opportunity for solemn prayer and reflection gives us a magnified view of the victory that is found in enduring sacrifice,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo.

“By remembering the death of Jesus Christ at the cross, we remind ourselves of the immense power of love and compassion which is able to tear down walls of prejudice, selfishness, and hatred,” anito.

Ang mga Holy Week activity para sa taong ito ay kanselado matapos sabihan ng pamahalaan ang mga filipino na manatili na lamang sa bahay at iwasan ang dumalo sa mass gatherings dahil sa COVID-19.

Umaasa ang Pangulo na ang nga Filipino ngayong Holy Week ay magiging inspirado “to move ahead with faith and peace in our hearts.”

“Guided by our sense of hope and grace, may we walk with renewed fervor and faith towards our shared path of a brighter and better future for all,” aniya pa rin.

Para ngayong taon, sinabi ng Malakanyang na gugunitain ng Pangulo ang Mahal na Araw dito sa Maynila upang sa gayon ay maituon niya ang kanyang pansin sa pagtugon sa nasabing pandemic.

Samantala, idineklara ng Malakanyang ang April 9 (Maundy Thursday) at April 10 (Good Friday) bilang regular holidays, habang ang April 11 (Black Saturday) ay isang special non-working day. Kris Jose

Share

Leave a Reply

Loading...