Idineklara ng Palasyo ng Malacañang ang Pebrero 13 bilang special non-working holiday sa Parañaque kaugnay ng ika-25 taong anibersayo ng cityhood ng lungsod.
Sa ilalim ng Proclamation No. 144, ipinagdiriwang ng lungsod ng Parañaque ang cityhood anniversary sa Pebrero 13.
Sa inilabas na proklamasyon ng nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay nakasaad na, “it is but fitting and proper that the people of City of Parañaque be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies.”
Sinabi naman ni City Mayor Eric Olivarez, ang lahat ng trabaho na nasasakupan ng lungsod gayundin ang mga pribadong kumpanya pati na rin ang lahat ng eskwelahan sa lungsod ay suspindido sa darating na Lunes (Pebrero 13) upang bigyang daan ang selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng Parañaque.
Ayon kay Olivarez, ang selebrasyon ng anibersayo ay sinimulan noon pang Enero 23 sa pamamagitan ng presentasyon ng mga kandidato sa “Gandang Mamita and Gwapitong Papito 2023” sa City Hall grounds.
Nagsagawa naman ng thanksgiving mass nitong Pebrero 6 kaugnay sa pagdiriwang ng isang linggong selebrasyon para sa cityhood anniversary ng lungsod. James I. Catapusan