Home HOME BANNER STORY Pebrero 9 ideneklarang special non-working day para sa Chinese New Year

Pebrero 9 ideneklarang special non-working day para sa Chinese New Year

MANILA, Philippines- Idineklara ng Malacañang ang February 9, 2024 bilang karagdagang special non-working day sa bansa para sa pagdiriwang ng Chinese New Year. 

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nakasaad sa Proclamation No. 453 na ”the declaration of 09 February 2024, Friday, as an additional special non-working day throughout the country will give the people the full opportunity to celebrate the Chinese New Year and enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend.” 

Ipinag-uutos din ng proklamasyon, pinirmahan noong January 18, 2024, ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng kaukulang circular sa pagpapairal ng proklamasyon sa pribadong sektor.

Nauna nang inilabas ng Malacanang ang Proclamation No. 368 na may petsang October 11, 2023, na nagdedeklara sa February 10, 2024, (Chinese New Year), Sabado, bilang special non-working day sa buong bansa.

Inihayag ng Presidential Communications Office na ang Chinese New Year ay pagdiriwang ng pagsisimula ng bagong taon sa tradisyunal na lunisolar Chinese calendar. Kris Jose

Previous articleKarla, wapakels sa bashers!
Next articleToni Fowler nakapagpiyansa na matapos maaresto sa cybercrime case