Home NATIONWIDE Pekeng dentista kulong sa brace-palit-sex

Pekeng dentista kulong sa brace-palit-sex

MANILA, Philippines – Timbog ang isang pekeng dentistang ang modus ay magkabit ng libreng braces kapalit ng sex sa Malabon.

Kalaboso si Ryan Christian Vallerbo, 27, na hinuli sa isang entrapment operation.

“Online predator ito na naghihintay na may mabiktima na bata. Ang pang-akit nya dahil nagpapanggap siyang dental technician na maayos ang kanilang ngipin sa pamamagitan ng braces. So nakita nya itong dalawang bata na ito,” ani Police Colonel Jay Guillermo, chief of Cyber Response Unit of the PNP-ACG.

Nabatid, may dalawang totoy na nakipag-sex na sa suspek ngunit di pa rin nilalagyan ng braces.

Bukod dito, in-upload pa umano ni Vallerbo ang kanilang sex video.

Ito at matapos hindi magbigay ng pera ang dalawa nang kikilan ng pera ng salarin. Merly Iral

Previous articleMapayapang resolusyon mas pinili ng Pinas sa alitan sa SCS -PBBM
Next articleUniTeam buo pa rin, “still vibrant, still working”- PBBM