Home NATIONWIDE Pekeng FB na gumagamit kay Archbishop Advincula ibinabala

Pekeng FB na gumagamit kay Archbishop Advincula ibinabala

MANILA, Philippines – Naglabas ng babala ang Archdiocese of Manila’s Office of Communications laban sa pekeng’ Facebook Account na gumagamit ng pangalan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ayon kay Fr. Roy Bellen ng Office of Communications, ang fake FB account na gumagamit sa pangalang Jose F. Cardinal Advicula ay ginagamit ng mga mapanlinlanh na indibidwal para sa kanilang personal na interes.

“The Archdiocese of Manila Office of Communications would like to inform the public that the FB Account with the name Jose F. Cardinal Advicula is not an official acccount nor in anyway connected to the Archbishop of Manila. Please help us report this account that misrepresent the Cardinal and is sadly only being used to sell products for profit,” saad ni Fr. Bellen sa isang pahayag.

Pinaalalahanan ng pari ang publiko na maging maingat sa social media accounts na kanilang sinusundan dahil may mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng Simbahan,Obispo, at pari para sa kanilang personal na pangangailangan.

Pinaalalahanan din ng pari ang publiko na mag-isip bago sila mag-click at maging mapagbantay upang maiwasang mabiktima ng fake news.

“We encourage everyone to be very careful in liking, sharing and following dubious accounts that misrepresent church leaders and organizations so as not to aid in the proliferation of false information,” binigyan-diin ng pari.

Lumitaw din ang isang pekeng FB account na may pangalan ni Cardinal Advincula pagkatapos niyang maupo bilang arsobispo ng Archdiocese of Manila noong 2021.

Sina Cardinal Luis Antonio Tagle, Cardinal Orlando Quevedo, Archbishop Jose Palma, at Bishop Honesto Ongtioco ay nabiktima rin ng mga online scammers.

Pinaalalahanan ang mga mananampalataya na i-verify sa kani-kanilang mga parokya ang anumang solicitation o donation letter na kanilang natatanggap online. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleBong Go: Higit 700 SHC pinondohan para itayo sa buong bansa
Next article“Lawful operation” ng Maharlika fund ipinangako ni Recto