Home NATIONWIDE ‘Pekeng initiative’ may negatibong epekto sa ekonomiya – Binay

‘Pekeng initiative’ may negatibong epekto sa ekonomiya – Binay

MANILA, Philippines – Malaki ang negatibong epekto sa pagkalahaang ekonomiya ang pasusulong ng “pekeng” peoples’ initiative ni House Speaker Martin Romualdez na maaaring isisi ng taumbayan sa Senado, ayon kay Senador Nancy Binay.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na nananatiling nakatuon ang Senado na tugunan ang isyu sa ekonomiya at kahit kailan hindi nito sinusuportahan ang people’s initiative ni Romualdez na nangangalap ng lagda kapalit ng P100 ayuda mula sa gobyerno.

Aniya, hindi nito papayagan sampu ng kasamahan sa Senado na manaig ang pansariling interes ni Romualdez na lusawin ang kapangyarihan ng Mataas na Kapulungan na bomoto nang hiwalay sa anumang pagbabago sa 1987 Constitution.

“Hindi po nanggaling sa Senado ang paglarga ng pekeng people’s initiative… Alam naman po ng lahat kung saan ito nagsimula, binuo at inilatag,” aniya.

“Dapat alam po ng mga taong nasa likod ng people’s initiative na may negatibo’t direktang impact and mga ganitong patagong galawang Cha-cha sa ating ekonomiya, pero itinuloy pa rin nila,” giit ni Binay.

Sinabi pa ni Binay na nalalaman ng grupo ni Romualdez na malaki ang negatibo at direktang epekto ng palihim na pagkilos sa charter change sa ating ekonomiya, pero ipinagpatuloy pa rin nila.

Kasabay nito, iginiit ni Binay na naipakita ng Senado ang pro-development” at pro-progress stance sa pinagtibay na panukalang batas tulad ng Public Services Act (PSA), Foreign Investments Act (FIA) at the Retail Trade Liberation Act.

“Investors value stability, and we are dedicated to addressing this matter with the seriousness it deserves. Rest assured, the Senate’s commitment to economic growth and foreign investment remains unwavering,” aniya.

“Hindi po natin hahayaang manaig ang interes ng iilan, kasi palaging talo ang taumbayan,” giit pa niya.

Nitong Martes, naglabas ang Senado ng “strongly worded” manifesto na nagkokondena sa pagsusulong ng people’s initiativedahil maaaring galawin ng House of the Representatives sa pamumuno ni Romualdez ang alinmang probisyon sa 1987 Constitution nang hindi sasang-ayunan ng Mataas na Kapulungan na nakatakda sa batas.

Sa panukala ni Romualdez, matatanggal ang kapangyarihan ng Senado na bomoto nang hiwalay sa anumang pagbabago sa Saligang Batas at papayagan ang pagboto ng magkasanib kayat malulusaw ang 24 miyembro laban sa 31 miyembro ng House of Representatives. Ernie Reyes

Previous articleMga employer, employee groups nagkabanggaan sa implementasyon ng Service Charge Law
Next articlePagrebyu sa economic provision ng 1987 Constitution, sisimulan na ng Senado