Home HOME BANNER STORY Pekeng memo na nagpapabalik sa “Bilibid 19” sa NBP, nabuking

Pekeng memo na nagpapabalik sa “Bilibid 19” sa NBP, nabuking

352
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng Department of Justice na may kumalat na pekeng Memorandum na nag-aatas na mailipat ng kulungan ang ilang inmate na sangkot sa kaso ni dating Senador Leila De Lima Case.

Pinakilos na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) para tukuyin ang nasa likod ng fake memorandum na nagpapalipat sa ilang persons deprived of liberty (PDL) mula Sablayan Detention Facility sa Occidental Mindoro pabalik ng New Bilibid Prison.

Sinabi ni Remulla na ang dokumento ay may peke niyang at memorandum circular number.

Ipinakita aniya sa kanya kahapon ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr para i-validate dahil pakiramdam nila na pinepeke nga.

Nabatid na ang barcode ay halatang dinaya.

Nakasaad sa pekeng memo na kabilang sa mga ipinababalik sa New Bilibid Prison ang mga miyembro ng tinaguriang “Bilibid 19” o ang mga tumestigo noon sa kaso laban kay De Lima.

Naniniwala si Remulla na nais bumalik ng ilang PDL sa New Bilibid Prison dahil nagagawa nila ang mga gusto sa dating kulungan.

Ayon pa kay Remulla, maaaring mga empleyado rin  ng DOJ at BuCor ang nasa likod ng pamemeke ng dokumento.

Iginiit ng Kalihim na may katapat na parusa ang mga kawani na mapapatunayan na gumawa ng pekeng dokumento. Teresa Tavares

Previous articleTeves kinakanlong ng warlords sa ibang bansa – Remulla
Next articleDriver na nakasagasa nagpakulong na lang sa taas ng hospital bill

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here