Pekeng MTPB, timbog sa pangongotong

Pekeng MTPB, timbog sa pangongotong

March 26, 2020 @ 10:56 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Arestado ang isang pekeng tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) makaraang ireklamo ng isang concern citizen ng pangongotong sa mga truck drivers sa Tondo, Manila.

Hawak ngayon ng Manila Special Mayors Reaction Team (SMaRT) ang suspek na si Jhon Mar Dela Cruz, 39, walang asawa at residente sa Moriones Street, Brgy. 123, Tondo, Manila.

Sa ulat, isang concern citizen ang lumapit sa mga tauhan ng MTPB na sina T/E Jules Duane Santos at T/E Rodelio Castro at sinabi na ang kanilang kabaro ay nangongolekta ng pera sa mga dumaraang trak sa bahagi ng Raxabago Street sa Tondo.

Agad namang nagtungo ang dalawa sa nasabing lokasyon at inabutan si Dela Cruz na unipormado pa ng MTPB.

Nang tanungin ang suspek kong saang sector ito kabilang at hingan ng idetification card ay walang maipakita dahilan para siya ay arestuhin.

Nilabag ni Dela Cruz ang Article 177 o Usurpation of Authority of Official Functions at Illegal Used of Uniform and Insignia ng Revised Penal Code. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Share

Leave a Reply

Loading...