Home ENTERTAINMENT Pelikula ni Paolo, flop sa takilya, bumawi sa streaming app!

Pelikula ni Paolo, flop sa takilya, bumawi sa streaming app!

Manila, Philippines – Disaster ang kinahinatnan ng pelikulang Pangarap Kong Oskars sa takilya.

Ito’y pinagbibidahan nina Paolo Contis at Joross Gamboa.

Gayunpaman, may dahilan pa rin para magbunyi ang producer nito dahil naibenta nila ito sa streaming service na Netflix.

Ika-9 ang ranggo nito nang magsimulang mapanood sa Netflix.

As we write this, umakyat na ito sa ikatlong puwesto.

Posibleng ganito na rin daw ang gustong mangyari ng producer ng pelikulang Fuchsia Libre.

In the movie, Paolo plays a gay mixed martial arts (MMA) fighter.

One thing good about the movie, hindi na kinailangang mag-work out ni Paolo para magpapayat.

Sa mga ensayo’t shooting pa lang, so far, Paolo has lost 27 lbs.

And take note, mukhang hindi pa siya masaya sa lagay na ‘yon as Paolo intends to shed off more pounds.

As regards to its commercial showing ay baka i-tap ng producer ang streaming service like Netflix, Prime Amazon (which bought the rights to Kim Chiu’s Linlang) and other platforms.

Aminado si Paolo na matumal pa rin ang mga pelikula sa takilya these days.

Ang certified blockbuster lang to date ay ang A Very Good Girl tampok sina Kathryn Bernardo at

Dolly de Leon.

‘Yun nga lang, compared to other Kathryn movies in the past ay way below pa ang box office take ng pelikula with the actress playing an offbeat role for the first time. Ronnie Carrasco III

Previous articlePinas nagprotesta vs tangkang pagharang ng Tsina sa resupply mission
Next articleMoratorium sa ‘pass-through’ fees oks sa NCR mayors