Home OPINION PEMBO RESIDENTS NAGPASAKLOLO SA TAGUIG

PEMBO RESIDENTS NAGPASAKLOLO SA TAGUIG

SA harap ng diskusyon sa Taguig-Makati territorial dispute na pinal nang nadesisyunan ng Korte Suprema, lumiham sa lokal na pamahalaan ng Taguig ang mga residente ng Pembo, Makati para madaliin na ang kanilang pag-takeover at mailipat na sila bilang mga residente ng lungsod.

Sa 2-pahinang liham na para sa mga opisyales ng Taguig, sinabi ng grupong Mandirigma ng Pembo na sila mismo ang gumagawa ng paraan para ikaila ang fake news patungkol sa sa posibleng negatibong idudulot ng final and executory decision ng Supreme Court.

“We would like to make known to you that we are eagerly awaiting for the complete takeover of Taguig City,” nakasaad sa liham.

Isa pang layunin ng liham ng mga residente na alamin kung ano ang mga maaari nilang asahan sa lungsod ng Taguig sa oras na maisakatuparan ang takeover. Mas mabuting malaman na kaagad nila upang wakasan ang fake news at mawala rin ang agam-agam sa paglilipat ng mga residente.

Sa liham, ibinunyag ng mga residente na mayroong nangyayaring mga black propaganda para siraan ang lungsod ng Taguig at mismong barangay officials na appointees at nasa hold-over position ang nagsasagawa nito.

“They are busy suppressing and twisting the mindset of the people on the issue of Taguig vs Makati. Employees known to be supporters of Taguig are forced to resign. Those people are maligned, shamed and immediately removed from service without due process,” nakasaad pa sa liham.

Bilang pahuli, sinabi ng mga residente na ang kanilang hangad na mailipat na sa Taguig ay para makaiwas na din sa sobrang pamomolitika sa Makati.

” We want to be free from suppression and cruelty that has been a result of the family feud of the Binay siblings. Our people only want to have a decent life and work,” saad pa sa liham.

Sadyang hindi inilabas ang mga signatory sa nasabing liham bilang proteksyon din sa mga residente.

Previous articleSolon-couple hailed for ‘No Permit, No Exam’ policy bill
Next articleMGA BATA HUWAG IDAMAY