MANILA, Philippines – Dumagsa ang mga deboto ng Our Lady of Peñafrancia flocked sa Naga City, Camarines Sur, para sa taunang fluvial procession na idinaos nitong Sabado, Setyembre 16.
Bago ang parada, isang celebratory Mass ang idinaos sa Quadricentennial Arch ng Naga Metropolitan Cathedral.
Nasa kabuuang 156 bangka sakay ang mga deboto ang inihanda malapit sa ilog para ibyahe ang imahe ng Birheng Maria, na tinatawag na “Ina” ng mga lokal kasabay ng parada.
Bago rito, nagsagawa na ng inspeksyon ang Philippine Coast Guard Explosive Ordinance Disposal at K-9 units.
Dumating sa Naga River ang imahe ng Birheng Maria bandang alas-5 ng hapon.
Iwinagayway naman ng mga deboto ang kanilang puting panyo.
Matapos ang parada, pinangunahan ni Most Reverend Charles John Brown, Apostolic Nuncio to the Philippines, ang vigil mass sa Minor Basilica of Our Lady of Peñafrancia grounds.
Ang pista ng Our Lady of Peñafrancia ay taunang ipinagdiriwang sa Naga City na dinadaluhan ng milyon-milyong deboto. RNT/JGC