Home METRO ‘Pepe’ campaign jingle ‘di na ginamit matapos warningan ng Comelec

‘Pepe’ campaign jingle ‘di na ginamit matapos warningan ng Comelec

MANILA, Philippines – Tinanggal na ng isang kandidato sa Barangay Elections ang kaniyang campaign jingle makaraang balaan ng Commission on Elections.

Si Jose “Pepe” Pacheco ay tumatakbong tserman sa Barangay Bucot bayan ng Allaga Nueva Ecija na sumulat na sa local election officers at ipinagbigay alam na ang kanyang campaign jingle na nag-viral sa social media ay tinanggal na.

Ito ay makaraang warningan ng Comelec dahil sa kakaibang kahulogan ng kanyang jingle na hango sa tunog na Voltes V na una niyang ginamit noong 2018 Barangay election ngunit bigong manalo.

Muling ginamit ang jingle para sa Barangay election ngayong Oktubre ngunit agad binalaan ng Comelec dahil sa double meaning ng mga lyrics lalo na ang pagbanggit ng kanyang pangalan na “Pepe”.

“I’m awfully sorry for this behavior, rest assured that these materials would never be used anymore in any of my campaign activities until the end of my prescribed campaign period,” saad ni Pacheco.

Humingi rin ito ng paumanhin at amindo na ang kanyang jingle ay naisulat at naiprodyus nang hindi alinsunod sa mungkahing standard ng komisyon.

Aniya, ang composer ng awitin ang may sariling ideya ng mga lyrics ng kanyang campaign jingle. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleGurong namalo sa estudyante, kakasuhan
Next articlePinas bumaba sa ika-100 ranggo sa rule of law index — WJP