Home ENTERTAINMENT Performance ni Albie sa local pageant, nag-viral, senglot daw?

Performance ni Albie sa local pageant, nag-viral, senglot daw?

600
0

Manila, Philippines – Lasing ba o sadyang hyper lang si Albie Casiño nang haranahin ang mga kandidata ng Miss Cotabato nitong August 25, Biyernes?

Viral na ngayon sa social media ang video clip kung saan kinanta ng Kapamilya actor ang awiting Habang Buhay ni Zack Tabudio while serenading the local pageant candidates.

Bumaba pa si Albie sa kinaroroonan ng audience.

Ang dating kasi ng performance niya ay tila nilasing daw muna siya sa backstage bago nag-perform.

Marami rin ang nagsasabing parang nagbi-videoke lang ang aktor.

“Lasing ba ang beshie ko?” usisa tuloy ng mga netizen.

May mga dumepensa naman kay Albie sa pagsasabing baka ‘yun ang estilo niya ng pag-awit para makapagbigay ng kasiyahan sa mga manonood.

May mga nagsasabi ring Albie is not actually popular as a singer, kaya unawain na lang daw ang kakulangan nito.

Sapat na raw ang “total packaging” ni Albie to send the girls swooning over him, dedma na lang daw sa vocal performance niya.

Dahil sa pagtatanghal na ‘yon ni Albie ay dumagdag daw siya sa listahan ng mga aktor na “nagkalat” sa mga beauty pageant.

Nauna rito, katakutakot ding bashing ang inabot ni Luis Hontiveros nang umawit ng kantang Jopay sa Miss Pagadian 2023.

Sinundan siya ni David Licauco who performed in Miss Grand Philippines 2023.

Ang Miss Cotabato 2023 ay hosted ni Miss Supranational 2023 first runner-up Pauline Amelinckx at Italian-Canadian model-actor Nico Locco.

Isa naman sa mga tumayong hurado ay si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

Ang tanong–maimbitahan pa kaya si Albie sa mga beauty pageant para mag-perform after his viral “senglot” performance? Ronnie Carrasco III

Previous articleSasakyan ni Jerald, binangga ng truck, pinatawad ang driver!
Next articleMurder case vs Teves sa Degamo slay, pormal nang inihain ng DOJ

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here